Joke ni Dabarkads Joey de Leon kina Bossing Vic Sotto at Allan K sineryoso ng lady columnist

SA KANYANG mga kolum ay animo’y galit na galit si Ms V.V. o Ateng Vinia Vivar rito kay Tito Joey de Leon.

Parang minimenos raw kasi ni Tito Joey ang pagkapanalo ni Allan K sa nakaraang 25th PMPC Star wards for Television bilang Best Male Variety Show Host para sa number one and longest-running noontime variety show na Eat Bulaga at sour-graping naman daw ang sikat na TV host-comedian sa pagwawagi ni Bossing Vic Sotto para sa kategoryang Outstanding Male Variety Show Host para sa Eat Bulaga rin na iginawad kay Bossing kamakailan ng ENPRESS Golden Screen Awards kung saan si Julia Clarete naman ang nanalo rito bilang Outstanding Female Variety Show Host para sa nasabing noontime variety show rin.

Kalokah ka naman V.V., sobrang sineryoso mo talaga ang joke ni Tito Joey. Kung regular viewer ka ng show, hindi ka na magtataka Ateng dahil talagang ganyan maglambing sa kanyang mga co-dabarkads si Tito Joey.

Magtatagal ba naman ng mahigit tatlong dekada na ang samahan nila ni Bossing at dekada na rin naman silang nagkakatrabaho ni Allan K sa Bulaga kung may inggit sa katawan ang daddy na ito ni Keempee de Leon? Saka sa rami ng achievements at narating na rin ni Tito Joey ang rurok ng tagumpay, may dapat pa ba siyang ika-insecure? Looking back, ilang beses na rin siyang nabigyan ng parangal as Best Male Variety Show Host so ano ang big deal doon kung sina Bossing at Allan K ang mga nagwagi ngayong taong ito? Baka naman mas feel mo lang ang katapat na show ng Bulaga, Ateng Vinia, kaya may inis factor ka kay Papa Joey ko na hanggang ngayon ay walang kupas pa rin ang galing at husay sa komedya at pagho-host.

Tinuod (totoo) gyud!

***

Cristine at Rayver tuluyan na bang napaglalayo?

DAHIL sa mga paninirang puri ni Gov. Catherine Villamayor (Aiko Melendez) kay Agnes de los Santos, ang babaeng minamahal ng kanyang kapatid na si Henry (Rayver Cruz) kung saan nagsinungaling ito at pinalabas na talagang naging kabit ng kanyang pinatay na mister na gobernor itong si Agnes kaya lahat ng kayaman nito ay iniwan kay Agnes at ito ayon mismo sa dokumento o last testament ng nasirang pulitiko. Kaya hayun, nakumbinsi na nga nang tuluyan ni Catherine ang kapatid at hindi na ito sumipot sa kasal nila ni Agnes sa huwes at umiwas na rin sa babaeng pakakasalan dapat.

Dahil sa labis na pagkabigla at hindi matanggap ang nangyari sa kanila ay hinanap ni Agnes si Henry. Habang nasa gate ng mansiyon ni Catherine ay nakita nitong palabas na ang binata sakay ng kotse nito pero hindi siya pinansin kahit hinabol pa niya ito. Sa kasawiang palad, walang kamalay-malay itong si Agnes na naaksidente si Henry at kasalukyang comatose ito sa isang pribadong ospital.

Samantala, sa sobrang galit ni Agnes ay nagpunta siya sa mansion at naabutan niya roon na may mga ka-meeting si Gov. Catherine. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at sinabi nito nang harap-harapan sa gobernadora na kukunin niya ang lahat ng kayamanang iniwan sa kanya ni Gov. Villamayor. Ibinigay na ito sa kanya ni Catherine sabay pang-iinsulto na talunan pa rin ang dalaga dahil wala na sa piling nito si Henry.

Tuluyan na ba talagang mapapaglayo ni Catherine ang kapatid at si Agnes? Totohanin naman kaya ni Agnes ang pag-angkin ng kamayaman ng mga Villamayor lalo pa’t suportado na siya ng kanyang Tatay Jose (Lito Pimentel) sa kanyang laban?

Abangan ang iba pang mga kapana-panabik na tagpo sa Reputasyon na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa Kapamilya Gold pagkatapos ng PBB Unli Day.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply