Jolo Revilla siniseryoso ang sakit

DAWIT si Jolo Revilla sa mga releases ng Panday 2. Kahit di kasama si Jolo sa naturang pelikula, napag-uusapan siya dahil very helpful si Jolo sa promo ng pelikula ng amang senador.

Kay Jolo mismo namin nalamang puspusan ngayon ang taping niya ng My Binondo Girl dahil kailangan niyang tapusin ang serye bago siya lumipad patungong Amerika sa
Enero.

Pupunta ang young actor sa U.S. para magpatingin at humingi ng second opinion sa kanyang severe migraine na aniya ay hindi na niya talaga kinakaya.

“Hindi na talaga ako natutuwa sa mga nangyayari sa health ko, ang migraine ko halos every week, mga twice a week kung umatake at matitindi, naoospital ako.

“So, nagdesisyon ako, kinausap ko na sina mama at papa na gusto ko nang magpa-check-up. So, we decided na magpa-check-up na kaming dalawa ni papa dahil may migraine rin naman siya,” sey ni Jolo nang makausap namin sa taping ng My Binondo Girl.

Natatakot ba siya at ninenerbiyos?

“Ako, ayokong nerbyusin at ayokong matakot dahil alam kong magiging negative ang result at naniniwala naman ako. Sana.”

Sa pagpasok nga raw ng 2012 ay ito raw muna talaga ang no.1 priority niya before anything else. May mga offers nga raw sa kanyang project for next year pero hindi
muna ito ang iniisip niya ngayon.

“Papa-check-up muna tayo, and depende sa findings, hintayin natin,” he said.

Pati nga raw ang mga co-stars niya sa My Binondo Girl ay nag-aalala sa kanya dahil madalas ay sa set daw siya inaatake at nakikita raw ng mga ito kung paano lumalabas ang ugat niya sa ulo dahil sa sakit. Halos iumpog na raw niya ang ulo sa pader kapag sumusumpong ang migraine niya.

Five years ago pa raw nagsimula ang pagsakit-sakit ng ulo niya at this year lang daw talaga lumala. Pinakamatinding sumpong na nangyari ay nu’ng umiyak na raw siya talaga dahil sa sakit.

Samantala, sa love life, bagama’t nabuhay na naman ang tsismis sa kanila ni Kris Bernal, ani Jolo ay wala pa naman talagang pormal na ligawang nangyayari pero aminado siyang gusto niya ang Kapuso young actress.

“Mas maganda siyempreng magsimula muna sa friendship lalo pa nga ngayon na kahihiwalay lang niya, hindi naman siyempre magandang ligawan ko agad,” he said.

Kaya sa ngayon daw ay SMP (Samahang Malamig ang Pasko) pa rin siya pero sa 2012, looking forward daw siya na magkaroon na ng bagong pag-ibig.

“Ready na akong magmahal ulit. Dalawang taon na rin naman akong loveless and sana, sa 2012, dumating na siya,” he said.

Ang pinaka-wish daw niya for 2012 ay hustisya para sa yumao niyang tiyuhin na si Ramgen Revilla. Nasa korte na raw ang tungkol dito kaya ayaw na raw niyang magbigay pa ng komento pero sana raw ay matapos na agad ang kaso at maparusahan kung sinuman ang gumawa.

KC signs up with ABS-CBN anew

Hindi totoo na lilipat na sa TV5 si KC Concepcion para sundan ang kanyang ina na si Sharon Cuneta. Solid kapamilya pa rin si KC pero hindi na under Star Magic. Si Vic del Rosario ng Viva Entertainment, Inc. na ang kanyang bagong manager.

Masaya si KC na isa pa rin siyang kapamilya at  gagawin niya ang ‘Alta’ na kung saan ay kasama sina Gretchen Barretto at Angelica Panganiban.

Tuloy rin ang hosting job niya kung saan ay makikita siya sa ASAP every Sunday.

Of course, magkikita rin sila ng kanyang ex  na si Piolo Pascual sa naturang programa.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply