JRMMC nababahala sa pagtaas ng bilang ng biktima ng stray bullet

NABABAHALA ngayon ang pamunuan ng Jose Reyes Memorial Medical Center sa maagang pagtaas ng mga biktima ng ligaw na bala na dumarating sa kanilang emergency room, gayung hindi pa naman araw ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa ngayon, umaabot na sa sampu ang nabiktima ng stray bullet kumpara noong nakalipas na taon na dalawa lamang ang naitalang biktima sa kaparehong period.

Nabatid na may 26 na biktima naman ng firecrackers related injury ang naitalang dinala sa ospital dalawang araw bago ang pagsalubong ng Bagong Taon.

Kaugnany nito, naka-code white alert na rin ang emergency room ng JRMMC, nangangahulugan lamang na 24 oras na ang duty ng mga doktor at nars.

Simula sa Sabado o bisperas ng Bagong Taon ay wala nang uwian ang mga doktor at nars.

Nabatid na may limang surgeon, limang ortodoctor, limang EENT, 15 nars na itatalaga lamang sa ER at 200 contractual nurses pa na kinuha ang Department of Health na siyang tutulong din na mag-assist sa mga mabibiktima ng paputok sa pagsalubong ng 2012.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply