Mupas iimbestigahan sa ‘kotong’ isyu

SISIYASATIN ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang sinasabing pangingikil ni Pasay City Regional Trial Court (RTC) Judge Jesus Mupas, sa pamamagitan ng ilang emisaryo kay dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos Sr.

Ayon kay IBP President Roan Libarios, nagpadala na sila ng imbitasyon sa mga abogado nila Mupas at Abalos para sa hearing sa Enero 13, 2012, alas 2:00 ng hapon.

Paliwanag ni Libarios, layon nilang depensahan ang integridad ng legal profession at sakaling may angking bigat ang mga ebidensyang makakalap, hindi sila mag-aatubiling magpataw ng disbarment sa mga abogado.

Ibinunyag noon ng abogado ni Abalos na si Atty. Brigido Dulay na nilapitan siya ng isang Atty. Mercado at Atty. Desiderio na kapwa nagpakilalang mga kinatawan ni Judge Mupas.

Ayon pa kay Atty. Dulay, nag-alok ang dalawang nagpakilalang kinatawan ni Mupas na tutulong sila sa kaso ni Abalos kapalit ng P100 milyon.

Dahil dito, hiniling ni Abalos noong nakalipas na linggo na mag-inhibit si Mupas sa kaso habang inutusan naman ni Mupas si Abalos na magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat ipa-contempt dahil sa kaniyang ibinabatong alegasyon sa hukom.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login