Judge sa kaso ni GMA, may hawak din sa kaso ni Abalos

NAGHAIN na ng mosyon sa korte ang mga abogado ni dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos para harangin ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban sa kaniya, kaugnay sa isinampang kasong electoral sabotage sa kanya.

Una rito, bago nagsara ang Pasay City Regional Trial Court kanina, isinampa ng Comelec ang kaso laban kay Abalos at iba pang respondents sa kaso sa sinasabing malawakang pandaraya noong 2007 mid-term elections.

Kaagad ding nai-raffle ang reklamo sa sala ni Pasay-RTC Branch 112 Judge Jesus Mupas, ang kontrobersiyal na hukom na  kasalukuyang may hawak din sa kahalintulad na kaso ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Maalala na naging kontrobersiyal ang desisyon ni Judge Mupas sa agarang pag-isyu nito ng warrant of arrest laban sa former president, ilang oras din makalipas maihain ang kaso.

Sa pahayag ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos, anak ng former Comelec chief, hiniling nila sa sala ni Judge Mupas ang “determination of probale cause” sa kaso ng ama.

Una na ring tiniyak ni Abalos na wala siyang balak na takasan ang kaso.

Samantala, nagtipon-tipon naman sa labas ng Pasay City Hall of Justice ang mga taga-suporta ni Abalos sa pag-aakalang aarestuhin na ang dating chairman ng Comelec.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply