Justice, clerk of court ipatatawag sa Corona impeachment

DALAWA pang personalidad ang nakatakdang ipatawag sa impeachment trial laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona upang magbigay ng testimonya.

Sinabi ni Bayan Muna Rep. Neri Javier Colmenares, kabilang sa 11-man House prosecution panel na nais niyang ipatawag sina Associate Justice Presbyterio Velasco at Clerk of Court Enriqueta Vidal.

Ayon sa mambabatas, hihilingin niya sa Senado na ipatawag si Justice Velasco upang linawin ang diumano’y iregularidad sa dissenting opinion ni Justice Maria Lourdes Sereno sa promulgasyon ng isang resolusyon na inisyu ni Velasco noong November 28 na naglilinaw sa desisyon ng SC ukol sa TRO na nagbibigay pahintulot kay GMA na makapagpagamot sa ibang bansa.

“The charge that Chief Justice Corona fundamentally altered the Court’s decision declaring the TRO effective even if the Court has just decided by a vote of 7-6 that the TRO conditions have not been substantially complied with, is serious and could be used as additional evidence to prove CJ Corona’s partiality to protect Gloria Arroyo and allow her one more chance to escape for abroad.”

Bagama’t denisisyunan ng korte na ang TRO ay hindi epektibo hangga’t hindi nareresolba ang mga kinakailangang requirement ay idineklara pa rin nina Corona at Justice na ito ay dapat nang ipatupad.

Si Colmenares ang tatayong Lead Prosecutor sa Article VII ng impeachment complaint laban kay Corona sa “betrayal of public trust through his partiality in granting a temporary restraining order (TRO) in favor of former president Gloria Macapagal-Arroyo and her husband Jose Miguel Arroyo in order to give them an opportunity to escape prosecution and to frustrate the ends of justice.”

Binigyang diin ni Colmenares na nakakabahala ang hindi pagkwestyon ni Justice Velasco sa dissenting opinion ni Justice Sereno at sa halip ay ikinonsidera niya itong confidential.

Ipinaalala rin ni Colmenares ang sikretong laman ng envelope na nagmitsa sa EDSA II.

Aniya, ilalaban nila sa Senate court na huwag sanang ipagamit ang confidentiality upang pagtakpan ang mga iregularidad.

Nais din ni Colmenares na aminin naman ng Clerk of Court ang utos ni CJ Corona sa pamamagitan ni Justice Velasco na huwag  isapubliko ang opinion ni Justice Sereno.

Naniniwala si Colmenares na magiging mas madali ang impeachment trial dahil sa unti-unting paglutang ng mga testigo at maagang pagreporma sa “Arroyo Supreme Court.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply