Kabahayan sa Antipolo inararo ng trak: 8 patay

WALONG katao ang nasawi habang hindi pa mabatid na bilang ang nasugatan makaraang araruhin ng isang trak ang ilang kabahayan sa Sumulong Highway, Brgy. Mambugan, Antipolo City, Huwebes ng umaga, Disyembre 22.

Ayon sa report ng dzBB, tinitingnang dahilan ng pulisya ang pagkasira ng brake bago ang panunuyod ng trak sa mga kabahayan.

“Galing Antipolo ang truck tapos nawalan ng preno. Initially nakuha namin walo ang patay, dalawa ang sugatan,” base sa pahayag ng isang nakasaksi.

Nabatid pa na ilang katao at ang iba ay mga bata ang naipit ng trak na karamihan ay isinugod sa Amang Rodriguez Medical Center.

Nagdulot din ng matinding trapik ang nasabing insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply