Kagamitan ng Phivolcs ninakaw sa Albay

NINAKAW ang ilang kagamitan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa lalawigan ng Albay.

Ayon kay Phivolcs Research Analyst Alex Baloloy, ninakaw ang ilang mga gamit sa kanilang ahensya sa bahagi ng Barangay San Roque, Sto. Domingo Albay.

Sinabi ni Baloloy na ilang araw din na nawalan ng signal kaya naisipan niyang bisitahin ang lokasyon kung saan nakatayo ang mga kagamitan na nagdidetermina sa kalagayan ng Bulkang Mayon, subalit laking gulat na lamang ng mga ito nang matuklasan na wala na ang limang baterya at mga wire sa lugar na nagdulot ng pagkaparalisa ng kanilang operasyon.

Sinabi ni Baloloy, na dahil sa nangyari ay maaaring hindi ma-detect ang aktibidad ng ilang bahagi ng bulkan, tulad ng mga pagyanig na posibleng mapanganib sa ilang mga residente na malapit sa gilid nito.

Sa ngayon, minamadali na ng ahensiya ang pondo para ibili ng panibagong mga kagamitan para makabalik na sa normal ang kanilang operasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply