Kagawad utas sa boga ng dating sundalo

SA MISMONG kili-kili tumama ang balang ipinutok ng isang dating sundalo sa nakaaway nitong barangay kagawad sa probinsya ng Pangasinan kagabi (Disyembre 2).

Dead on arrival sa ospital sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre 45 sa kanang kili-kili ang biktimang si Guillermo Erfilua, 43-anyos, kagawad ng Brgy. Talogtog, Mangaldan, Pangasinan.

Natunton naman agad ng pulisya ang suspek na si Rolando Jugo, dating miyembro ng Philippine Army (PA) sa bahay ng kanyang kamag-anak sa bayan ng San Fabian.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-8:45 kagabi sa bayan ng Mangaldan.

Bago ito, sa hindi malamang dahilan ay nag-away ang biktima at ang suspek at sa gitna ng pagtatalo ay binaril ni Jugo si Erfilua at saka tumakas.

Ayon sa nakasaksi, nang bunutin ng suspek ang kanyang baril ay itinaas ng biktima ang kanyang dalawang kamay na senyales ng pagsuko pero binaril pa rin ni Jugo.

Inihahanda na ng pulisya ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply