Kahit nanuntok, Mayor Sarah Duterte pinarangalan

KABILANG sa mga “Natatanging Paglilingkod” awardee ay si Davao City Mayor Sarah Duterte na mala-Pacquiao na nanuntok ng isang sheriff na nagsisilbi ng kautusan ng korte upang ma-demolish ang ilang iligal na iskwater sa nabanggit na lungsod noong Hulyo.

Mismong si Pangulong Benigno Aquino III ang nanguna sa pagbibigay parangal sa mga natatanging opisyal ng pamahalaan.

Idinaos ang awarding rites kasabay ng selebrasyon sa 23rd Urban Poor Solidarity Week sa Malakanyang.

Kasama sa mga kinilala ay sina Rep. Rufus Rodriguez, Archbishop Jose Palma at mahigit 20 pang mga opisyal ng pamahalaan.

Ani Pangulong Aquino sa kanyang mensahe, ginagawa ng kanyang administrasyon ang lahat para masolusyunan ang problema ng mga maralitang taga-lungsod.

Aniya, P500 billion ang kailangan para sa relokasyon ng mga mahihirap na pamilya sa National Capital Region.

Umaasa rin ang Pangulo na maaayos ang lahat bago siya bumaba sa pwesto sa 2016.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply