Kakusa representative inambus sa Marikina

PATULOY pang ginagamot sa isang ospital sa Marikina si Kapatiran ng mga Nakulong na Walang Sala o Kakusa partylist Rep. Ranulfo Canonigo, matapos tambangan ng hindi pa nakilalang suspek kaninang hapon.

Nabatid sa Marikina-PNP, papasok ng kanyang bahay ang kongresista lulan ng puting kotse nang barilin ng nag-iisang suspek.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Ang Kakusa partylist ay tumutulong at nagbibigay ng legal assistance sa mga bilanggo at sa kanilang mga pamilya.

Nagbibigay din umano ang mga ito ng para-legal seminars sa pakikipag-ugnayan sa Bureau of Corrections.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply