Kakusa Rep. Canonigo ligtas sa ambush

NASA ligtas na kalagayan na ngayon si Kakusa Party-list Rep. Ranulfo Canonigo matapos na tambangan ng di nakilalalang riding in tandem sa Marikina kahapon ng hapon (Disyembre 11).

Nagpapagaling sa apat na tama ng bala ng kalibre .45 sa batok, magkabilang balikat at kaliwang hita si Canonigo sa St. Luke’s Medical Center.

Batay sa ulat, si Canonigo ay lulan ng kanyang puting Suzuki kasama ang kanyang driver at bodyguard para makipagkita sa kanyang staff sa isang fast food chain sa Marikina dakong 5:00 ng hapon.

Hindi pa nakalalabas ng gate si Canonigo sa kanyang bahay sa Nangka St., Marikina nang sumulpot ang dalawang salarin sakay sa isang motorsiklo na walang plaka at agad na pinputukan ang biktima.

Makaraan ang insidente ang mga suspek at agad na isinugod sa Saint Mathew Hospital ang biktma bago inilipat sa St. Luke’s Medical Hospital.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa na ng malawakang manhunt operation ang Marikina police para madakip ang mga salarin at inaalam ang motibo sa pananambang sa biktima.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply