Kalabaw inararo ng motor, 1 patay, 2 sugatan

ISANG binatilyo ang namatay habang nasugatan naman ang dalawang iba pa nang makipagsalpukan ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang kalabaw sa national highway sa Magsaysay, Naguilian, Isabela, sa ulat ng pulisya.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Renz Lozada, 17, habang malubha namang nasugatan ang kanyang mga backride na sina John Ryan Daluson at Angelo Asara, kapwa 21 at residente ng Guibang, Gamu, Isabela.

Nabatid sa imbestigasyon na sinundo nina Lozada at Asara ang kanilang kasama na si Daluson sa Tagaran, Cauayan City at habang binabagtas ang national highway ay nabulaga sila ng isang kalabaw na nasa gitna ng highway kaya hindi na nilang nagawa pang maiwasan ito.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang mga biktima habang namatay din ang
nabanggang kalabaw.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply