Kalamidad ‘di parusa ng Diyos sa tao– arsobispo

HINDI parusa ng Diyos sa tao ang naganap na kalamidad sa Mindanao.

Ito ang iginiit ngayon ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz matapos na umabot na sa halos 1,000 ang bilang ng mga taong namatay dahil sa pananalasa ng bagyong Sendong.

Ayon kay Cruz, dating Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), hindi kailanman nagpaparusa ang Diyos.

Ipinaliwanag rin ni Cruz, na mga tao rin ang gumagawa ng ikapapahamak niya at ng kanyang kapwa tulad na lang aniya ng flashflood sa Mindanao na dulot ng illegal logging at mining sa lugar.

Aniya, dahil sa kawalan ng pakialam sa kapakanan ng ibang tao pilit na sinasamantala ang biyaya ng kalikasan.

Sa kabila naman ng naganap, nakakita pa rin ng positibong bagay sa pangyayari ang arsobispo.

Sinabi ni Cruz, na malungkot man ang sakuna lalo na’t malapit na ang Pasko ay muli na namang napatunayan na may kabutihan sa puso ng mga tao dahil sa dami ng mga nagbibigay ng tulong para sa mga biktima ng kalamidad.

Anang arsobispo, awa at habag sa mga naging biktima ng bagyong Sendong pero ligaya ang hatid dahil sa sama-samang pagtulong ng mga Filipino para sa mga naapektuhan ng bagyo sa Mindanao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply