Kambal na fetus natagpuan

NATAGPUAN ang kambal na babaeng fetus sa tapat ng isang bahay sa Sta. Cruz, Maynila Miyerkules ng umaga.

Tinatayang nasa pito hanggang walong buwan ang kambal na nakalagay sa kulay pulang plastic bag, isinilid sa isang maliit na karton at basta na lamang iniwan sa tapat ng bahay sa 682 Avenida St., Sta.Cruz, Maynila.

Sa report ni PO3 Amelito Lopez, dakong alas-9:15 ng umaga nang madiskubre ni Randy Odonio, 23, helper at residente sa 671 Germinal St., Quiapo, Maynila ang kambal na fetus.

Agad na ipinagbigay-alam ni Odonio sa chairman ng Barangay 300, Zone 30, District 3 na si William Lising ang nadiskubre na siya namang nag-report naman sa pulisya.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply