Kambal na holdap sa bus

DALAWANG holdap sa bus ang naganap kamakalawa ng gabi.

Isa sa mga bus na hinoldap ang bumibiyahe sa EDSA at patungong Monumento dakong 8 ng gabi.

Sa halos ganito ring oras naganap ang panghoholdap sa isa ring bus sa may Baclaran habang bumibiyahe ito patungong Dasmariñas, Cavite.

Isang dating pulis ang kinuyog ng apat na holdaper sa unang bus nang magtangka itong lumaban habang nasa kanto sila ng Quezon Avenue at EDSA.

Isa namang  kasamahan natin dito sa Remate ang isa sa mga biktima sa pangalawang bus na naholdap.

Mabuti at walang nasaktan sa pangalawang bus na pinagnakawan ng dalawang holdaper na armado naman ng mga baril

oOo

Nasaan ang mga pulis at traffic enforcer na nagpapatrulya sa mga kalsadang nabanggit?

Walang pulis at traffic enforcer sa kapaligiran ng binabaan ng mga holdaper sa EDSA.

Wala ring pulis at traffic enforcer sa binabaan ng mga holdaper sa Baclaran Pasay-Parañaque erya.

‘Yung mga biktima ng pangalawang bus na naholdap ay nakaranas ng hindi magandang pagtrato ng mga pulis.

Ayaw makialam ang mga pulis-Parañaque dahil hindi umano nila jurisdiction ang kaso.

Nakabawi lang ang mga ito sa kumpiyansa ng mga biktima nang tawagan nila ang Pasay Police para asikasuhin nila ang mga biktima saka sila ineskortan papunta sa istasyon ng Pasay Police.

Hindi na nga lang nalaman ng mga biktima kung nagkaroon ng mabilisang aksyon sa mismong lugar na pinagtakasan ng mga holdaper

Hot pursuit kumbaga.
oOo

Hen. Nic Bartolome, tila hindi epektib ang sinasabi ninyong nag-kalat ang mga pulis kahit saan para mapigilan ang paglipana ng mga kriminal.

Aba, kilooosss!!!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply