Kampanya laban sa pneumonia pinaigting

PINAIGTING pa ng Caloocan City Government ang kampanya laban sa sakit na pneumonia, sakit na pangkaraniwang tuwing malamig ang panahon gaya ngayong Chtristmas seasom.

Partikular na tinatamaan nito ay ang mga bata na nasa pagitan ng limang taong gulang pababa.

Ang kampanya ay matapos ang isinagawang “Move for L.O.V.E. (learn, outreach, vaccinate, engage) Step-Up Against Pneumonia” na dinaluhan ng humigit kumulang sa 2,000 residente.

Layunin ng programa na mapababa ang bilang ng mga batang nagkakasakit at namamatay dahil sa pneumonia.

Base sa talaan, ang sakit na pneumonia ay naipapasa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng “direct contact” sa taong mayroon nito na maaaring makuha sa lugar na matatao katulad ng opisina (o sa trabaho), paaralan, kalsada, gym at higit sa lahat ay sa swimming pool.

Layunin ng Move for LOVE Step up Against Pneumonia na madagdagan ang kaalaman ng mga residente kung paano ito maiiwasan at kung paano mahihikayat ang lahat na sumali upang labanan ang sakit na ito at upang magkaroon ng
“prevention initiative” ang lahat ng local government units.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply