Kampanya ng QCPD vs kriminalidad epektibo

“SANA tuloy-tuloy na ang nakabibilib na ipinakikitang gilas ng mga tauhan ng  Quezon City Police District (QCPD) na pinamumunuan ni Chief Superintendent George T. Regis bilang District Director, dahil kahit na sabihin pang buwan na ng Kapaskuhan ay hindi sila nagpapaapekto.

Trabaho rito , trabaho  roon pa rin si Regis sampu ng kanyang mga opisyal at tauhan gayung  alam naman natin na kapag buwan na ng Disyembre ay  inaasahan nang tataas ang krimen lalo na ang gawa ng mga syndicated criminal.

Ang mga  pagkilos na ito ng mga syndicated criminal ay masasabi nating talagang pinaghandaan na ng husto ng QCPD at patunay rito ang pagbagsak ng isa sa mga miyembro ng kilabot na Marteja/Briones Carjacking Group na kumikilos hindi lang sa Metro Manila kundi sa karatig na mga lalawigan.

At dahil sa walang humpay na kampanya laban sa kriminalidad, bunsod ng direktiba ni Regis, ay naaresto ng tropa ni C/Insp. Rodelio Marcelo, hepe ng Criminal Investigation Unit (CIU) si Edilberto Marteja, 22, ng Barangay Apolonio Samson, Quezon City.

Ang grupong Marteja ay  hindi pipitsuging grupo kung saan ay may walong nakasampang kaso laban sa grupo itio  sa Quezon City Prosecutor  lang base sa record ng District Anti-Carnapping Unit (DACU) ng QCPD.

Si Marteja ay naaresto nina Marcelo makaraang salakayin ang lungga ng salarin sa pamamagitan ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Andres Bartolome Soriano ng Regional Trial Court, Branch 13, Malolos City, Bulacan sa kasong paglabag sa Republic Act 6539 (Anti-carnapping Law).

Kasabay ng pagkaaresto kay Marteja, inaasahan ng QCPD na bababa ang bilang ng carnapping syndicate  hindi lang sa Kyusi kundi sa buong Metro Manila dahil tiyak na maglalaylo ang mga kasamahan ng grupong ito.

Sa puntong ito ay pinatutunayan lang ni Regis na saan man magtago ang mga tulad ni Marteja ay kaya nilang abutin kahit na magtago pa ito sa pinanggalingang sinapupupuanan ng kanyang ina.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply