Kampo ni GMA handa na sa paglipat sa VMMC

ALL SET na ang kampo ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kanilang paglipat mula St. Luke’s Medical Center sa Taguig City patungo ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City, anumang oras ngayong araw.

Ayon sa tagapagsalita ng dating Pangulo na si Elena Bautista-Horn, kagabi pa sila naghahanda at susunod sa magiging security arrangement ng Philippine National Police (PNP).

Susundin nila kung ang biyahe ay “by land o by sky.”

Inaasahan na makakasama sa paglipat kay Ginang Arroyo ay sina dating First Gentlemen Mike Arroyo, Ang Galing Party-list Rep. Mikey Arroyo, Camarines Sur Rep. Diosdado “Dato” Macapagal Arroyo, mga apo at mga dating nitong Gabinete.

Sinabi ni Horn na kanilag ihahada ang mga paboritong almusal ni Mrs. Arroyo gaya ng daing na bangus, chicken pork adobo at bangus.

Bago ang paglilipat ay ilalabas muna ang final medical bulletin ng pamunuan ng St. Luke’s ngayong umaga.

Nabatid na nagsagawa rin ng isang misa kagabi para mapayapang paglipat kay Arroyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply