Kampo ni GMA humingi ng seguridad sa PNP

SUMANGGUNI na ang kampo ng mga Arroyo sa Philippine National Police (PNP) kaugnay ng impormasyong kanilang natanggap ukol sa umano’y banta sa buhay ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

sinabi ni Elena Bautista-Horn na natutuwa silang agad nakipag-ugnayan sa kanila ang PNP para sa tiyakin ang seguridad ng dating Pangulo.

Pero ayon kay Horn, wala silang balak ilabas sa publiko ang source ng umano’y “Oplan Put the Little Girl to Sleep” at kailangan nilang protektahan ang buhay ng impormante.

Umaasa naman ang kampo ni Arroyo na hindi na matutuloy ang anumang masamang plano kay Ginang Arroyo kasunod na rin ng pagmaliit ng Malakanyang sa “Oplan Put the Little Girl to Sleep.”

Nauna rito ipinahayag ni Senador Franklin Drilon na isang “senaryo” lamang ang “Oplan Put the Little Girl to Sleep” na inimbento ng kampo ni GMA.

Ayon kay Drilon, maraming mga senaryo ang iniimbeto ng tagapagsalita ni GMA na si Elena Bautista-Horn.

Unang sinabi nito na hindi mabuti ang lagay ni Ginang Arroyo, pero nang humarap na ang mga doktor sa korte ay bigla umanong bumuti ang kondisyon ni Arroyo.

Nagtataka rin si Drilon kung saan at paano naiisip ni Horn ang pagsisinungaling para lamang umano mabigyan ng pabor si GMA. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply