Kampo ni GMA naasar sa atrasadong paglilipat

NAASAR na ang kampo ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa atrasadong paglilipat sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City.

Sa ginanap na pulong balitaan sa St. Lukes Medical Center sa Taguig, ipinanawagan ni Elena Bautista-Horn, tagapagsalita ni Arroyo, ang agarang paglilipat kay Ginang Arroyo sa VMMC para na rin sa seguridad ng dating Pangulo.

Ayon kay Horn, mukhang pinatatagal ang paglipat kay Ginang Arroyo upang mahintay ang pagpoprotesta ng mga anti-GMA.

Iginiit din ng kampo ng mga Arroyo na hindi nila papayagang isakay si GMA sa chopper dahil delikado bunsod ng masamang panahon.

Una nang sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo na pinag-aaralan pa nila kung chopper o sasakyang panglupa ang gagamitin sa paglilipat kay Gng. Arroyo sa VMMC dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan.

Alas-9:50 kaninang umaga ng magpalabas ng convoy ang PNP sa St. Luke’s upang masubukan kung may magtatangka sa seguridad ng dating Pangulo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply