Kampo ni Ramona sasagutin ang affidavit ni Janelle Manahan

SASAGUTIN ng kampo ni Maria Ramona Belen Bautista, isa sa inginusong “utak” sa pagpatay sa nakakatanda nitong kapatid na si Ramgen Bautista-Revilla, ang isinumiteng reply affidavit ng kasintahan ng napaslang na si Janelle Manahan.

Ayon kay Atty. Jeffrey Gepte, abogado ni Ramona, pinag-aaralan nila ang reply affidavit ni Manahan dahil may mga bagay umano silang nais malinawan tungkol sa salaysay nito kung saan ay sasagutin nila ito sa pamamagitan ng rejoinder affidavit na isusumite sa susunod na pagdinig sa Disyembre 13.

Dagdag pa ni Atty. Gepte, na ilan sa mga kontra affidavit na isinumite ni Manahan sa pamamagitan ng kanyang dalawang abogado na sina Atty. Gilberto Espinosa at Restituto Mendoza ay hindi kapani-paniwala, partikular ang parte na sinabi ni Manahan na paghihiganti ng mga kapatid ni Ramgen ang naging motibo sa pagpaslang.

Ayon pa kay Gepte, maraming kontra si Manahan sa mga affidavit na isinumite ni Ramona sa pamamagitan ng kanyang inang si Genelyn Magsaysay sa tanggapan ni Paranaque Assistant Prosecutor Leah Roma kamakailan

Samantala, inaasahan naman ng Task Force Ramgen ng Paranque City Police na sa susunod na linggo ay makapagsusumite na ng kanyang affidavit si Ryan Pastera, alyas Bryan sa piskalya matapos mangako ang abogado nito na si Atty. Melinda Salcedo sa darating na Disyembre 8 araw ng Huwebes.

Si Pastera ay kinokonsidera na ikapitong suspek sa pagpatay kay Ramgen noong Oktubre 28, 2011, na kasalukuyan nakalalaya pa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply