Kanto ng Edsa-Taft pinaka-polluted – Paje

PINAKAMARUMI ang hangin sa kanto ng Edsa-Taft Avenue sa Pasay City, ayon kay Environment Secretary Ramon J.P. Paje.

Sa pulong-balitaan kaninang alas 10 ng umaga, sinabi ni Paje na nagtatala ng 278 micrograms per cubic meters ang dumi ng hangin sa nasabing lugar na 300 porsiyento na mas mataas sa normal na antas.

“EDSA corner Taft Avenue is the most polluted area in Metro Manila,” pahayag pa ni Paje na nagsabing nagbigay na siya ng instruksyon sa Environment Management Bureau (EMB) para tugunan ang nasabing usapin.

Samantala, hinimok naman ni Paje ang publiko na salubungin ang Bagong Taon gamit ang ibang instrumentong naglilikha ng ingay sa halip na ang mga delikado at nakaka-pollute na paputok.

“If possible, let us welcome the New Year without firecrackers which, aside from causing fires, injuries, and even deaths, are really harmful to the environment and to our health,” sabi pa ni Paje.

Lumiham pa nga si Paje kay Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo upang hilingin na magtalaga ng common firecracker areas para makapagdiwang tayo ng Bagong Taon nang bawas ang polusyon.

Dagdag pa ng kalihim: “Designated common firecracker areas (CFAs), whether within a municipality or even among a cluster of barangays would drastically reduce the amount of air pollution from pyrotechnics such as dust, sulfur and charcoal which can complicate respiratory problems.”

Aniya, kung sila raw sa DENR ang tatanungin, suportado nila ang pagbabawal sa anumang uri ng paputok at ipa-regulate sa lokal na pamahalaan ang firecrackers at fireworks.

Muli ring iginiit ni Paje na ang mga nasisindihang paputok at iba pang pyrotechnic matertials o fireworks ay naglalabas ng toxic chemicals na nagpapataas ng antas ng nakalalasong gases at particulates sa ating kapaligiran.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply