Kapamilya ayaw malaman ang tunay na gender ni Piolo?

HINDI lang sa mga newsprint, radio at TV program kundi maging sa mga umpukan, pilahan ng sakayan ng tricycle at maging sa iba’t ibang klase ng tanggapan mapa-gobyerno man o pribado kaya, hot topic ang pag-iyak ni KC sa The Buzz while voicing out some details ng hiwalayan nila ng hunk actor na si Piolo Pascual.

Noong una medyo nangingiti lang ako sa mga nauulinigan kong mga komento at pintas ng karamihan kay Piolo habang ang simpatya nila ay obviously napunta kay KC.

Pero mukhang hindi na biro ang damage na naidulot nito sa pagkatao ng aktor, huh?

Base kasi sa mga binitiwang salita ni KC, masyado raw makahulugan at bitin pa nga ang karamihan sa mga salitang ibinato niya sa ex-boyfriend. May mga nagsasabi ring may mas malalim na dahilan ang walang patid na pag-agos ng luha ni KC.

As of this writing pinipilit ko pa ring alamin ang authencity at pinagmulan ng isang blog na kuno ay may uncut version ang interview ng King of Talk na si Kuya Boy Abunda sa luhaang si KC, na ayon sa ilang source ay taped daw ang usapan Biyernes (Nov. 26) ng madaling araw.

Pero bago ipinalabas sa The Buzz nu’ng linggo (Nov. 27) ay dumaan muna ito sa mga big bosses ng ABS-CBN at in-edit out daw ang ilang portion ng question and answer nina KC at Kuya Boy. Sa nabasa kong blog, pati ang gender ni Piolo na kasama sa mga orinigal na itinanong ni kuya Boy ay tinanggal dahil sa utos daw na nakasaad sa Memo bago pa naganap ang pag-usap na iyon
.
At kasama nga sa kasunduan kaya pinayagan na ng channel 2 na magsalita si KC ay dahil nga pumayag ito sa kundisyon na hindi siya magsasalita ng mga bagay na makasisira sa pagkatao ni Piolo lalo pa nga’t may upcoming teleserye itong ipalalabas soon?

Pero tulad nang pananaw ng mga mas nakararami mukhang mas nakasama ang bitin na mga pahayag ni KC huh? Naglikha pa raw tuloy itong lalo ng iba’t ibang konklusyon na mas naglagay yata kay Piolo sa bingit ng mas nakahihiyang sitwasyon?

Dangan naman kasi kung ilang taon na ring issue ang gender na iyan sa aktor.
Hindi na nga bago kung tutuusin at gasgas na gasgas na ang “Bakla” isyu na ‘yan na mukhang pilit pinagtatapan na kung hindi lang dahil sa mga nagrurunung-runungang mga nangangalaga sa career ng aktor e nuon pa dapat tinapos ‘yan.

Tuloy ayon sa ilang batikan na sa showbusiness at naging saksi na sa kung ilang malalaking iskandalo sa showbis e, simple lang naman daw dapat ang kanilang ginawa at hindi tulad ngayon na kailangan pa nilang umaksiyon at mag-damage control sa imahe ng isa sa kanilang pinakasikat na alaga.

At kung totoo man iyong blog na kumakalat na ‘di umano’y uncut version ng conversation nina kuya Boy at KC. E, hindi fair ‘yan na parang binubusalan nila ang anak ni Shawie na maglahad ng katotohanan.

Kumbaga raw e suppression of the freedom of speech ang ganyan, huh?

Remember, may freedom of the press pati tayo huh? Public property sina Piolo at KC at naging open sila maging sa lovelife nila before kaya karapatan sigurong malaman ng kanilang respective fans/followers kung ano ang totoo?

00000

KUNG ilang dekada na ang Eat Bulaga sa ere ganyan din katagal o ka-loyal ang major sponsors ng programa na Coca-Cola sa kanila. Parang magkaibigan na hindi napaghihiwalay ng panahon ang samahan ng Coke at ng Bulaga. At dahil sa magandang layunin ng EB sa kanilang Juan For All, All For Juan na napalolooban ng mga segment na sugod bahay sa barangay, PNV o Pambato ng Videoke at Bayanihan of ‘Da Pipol. Dito sa sugod-bahay ay laging nakaalalay ang Coca-Cola kasama ng iba pang mga sponsors tulad ng Puregold, Dunkin Donuts, Voice Combo Sandwich, CDO Sesame Hotdog, Lucky Me Nam-Nam, Hanabishi Appliances, Exhange MSE (direct selling), Mang Inasal, Alleluya Tai-Chi, Del Fabric Softener etc.

Lahat sila kasama ni Bossing Vic Sotto at ng buong Bulaga Dabarkads ay nagsi-share ng sangkatutak na blessings araw-araw sa mga masusuwerteng residenteng daily winner sa Juan For all, All For Juan na ang cash na ipinamimigay ay umaabot sa P70,000.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply