Kapatid pa ni Ramgen kinasuhan ni Janelle

KINASUHAN na rin korte ng mga abogado ni Janelle Manahan ang isang pang kapatid ni Ramgen Revilla na si Gail Bautista Furuyama at mister nito na si Hiro, sinasabing sangkot sa pagpatay kay Ramgen Revilla.

Ayon kay Janelle, bumisita sa kanya sa ospital sina Ramona Bautista, Ramon Joseph, Gail at asawa nitong si Hiro pero ni hindi daw kinakitaan ng pagdadalamhati ang mga ito habang nagkukwento tungkol sa nangyaring pamamaslang sa kapatid nilang si Ramgen.

Kwestyon pa ni Janelle, kung inaamin nilang magkakasama sila sa kotse noon nang mabalitaan ang nangyari, bakit sinang-ayunan nila ang istorya ni Ramona na kinidnap ito.

Nadiskubre pa ng mga abogado ni Janelle na malapit na kaibigan ng mag-asawang Gail at Hiro si Ryan Pastera na siya namang sinasabing kumuha ng hired killers.

Ginamit din ni Janelle na ebidensya sa kanyang Supplemental Complaint Affidavit ang na-save niyang Facebook chat nila ni Ramgen kung saan sinabi nitong may nagtangka sa kanyang pumatay noong Oktubre 12.

Idinetalye rin ni Janelle sa kauna-unahang pagkakataon kung paano tinakpan ni Ramona ang kanyang ilong at bibig matapos siyang mabaril.

Hiniling na rin ng mga abogado ni Janelle sa Department of Justice (DOJ) na mailagay sa watchlist order (WLO) ang mag-asawang Gail at Hiro habang pinag-aaralan pa nila ang sinasabing posibilidad na pagkakasangkot ng iba pang kapatid ni Ramgen sa krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply