KAPRITSO NG LAMAN (Ika-dalawang labas)

NAPAGOD talaga nang husto ang mag-asawang Jude at Sally sa sabong ng laman na ginawa nila kagabi.

Kung walang gigising sa kanila, baka tanghali na ay tulog pa sila.

Pero nabulahaw sila sa pagtulog dahil sa sunod-sunod na katok sa labas ng pintuan ng kanilang kuwarto.

Sabay na nagising ang mag-asawa pero si Sally ang bumangon para alamin kung sino ang kumakatok at kung ano ang kailangan.

Naghihikab na napagbuksan ng pintuan ng babae ang kanilang kasambahay.

“I-Inaantok pa kami, Aling Melba. Ano ba ang problema?” tanong ni Sally.

“Ikaw ang may problema ba, iha. Hindi ba’t ngayon ang flight mo patungo sa bansang Taiwan?” sagot ng kasambahay.

Biglang nawala ang antok ni Sally …

Nataranta …

Mabilis na napabangon na rin sa pagkakahiga si Jude.

“Sige, Aling Melba. Pakiinit na lang ng almusal at bababa na kami,” sabi ng lalaki sa kasambahay.

Hangos na umalis na ang matanda.

“Maligo ka na. Para pagkakatapos nating mag-almusal ay ihahatid na kita sa airport,” sabi ni Jude sa asawa.

Hangos na pumasok na sa banyo si Melba para maligo.

Nagbihis …

Maya-maya lang at magkasabay na silang nag-aalmusal.

Panay ang bilin ni Jude kay Sally habang kumakain.

“Iingatan mo ang sarili mo, ha! Para hindi ka mainip, lagi tayong magtawagan,” sabi ng lalaki sa asawa.

“Ikaw din, ha! Mag-iingat ka rin. At baka naman habang wala ako rito ay kung anu-ano’ng kalokohan ang gawin mo!” ganti naman ni Sally.

Ang matindi nilang usapan, walang kaliwaan.

Para naman sa kanilang kinabukasan ang gagawin ng babae kaya magtiis sila na walang sex.

Sa pag-alis ni Sally, parang nahihiya si Jude.

Siya ang lalaki kaya siya ang dapat na magpursige na mapaganda ang kanilang future.

Nag-apply din naman siya ng trabaho sa ibang bansa pero malas …

Naunahan pa siya ni Sally na matanggap sa ibang bansa.

Nang matapos silang kumain, binitbit na ni Jude ang dalawang malaking bag at isinakay sa kanyang Revo.

Pamamasada ang hanapbuhay ng lalaki.

Mula Project 6 hanggang Kalaw pabalik-balik ang kanyang ruta.

8:30am pa lang ay lumakad na sila.

Baka matrapik sa daan.

Mahirap nang magahol sa oras si Sally.

Sa airport, hindi malagot-lagot ang kanilang paalaman.

May drama pa …

Hindi pa kasi nakakaalis si Sally, naho-homesick na.

“Kung ayaw mo nang ituloy ang pag-alis, okey lang sa akin. Kaso’y nakapirma ka na ng kontrata. Hindi mo na puwedeng bawiin iyon,” sabi ni Jude.

Suminghot muna ng ilang si Sally bago kinompose ang sarili.

Mainit muna silang naghalikan bago sabay na lumabas ng Revo.

Inihatid ni Jude ang mga gamit ng asawa hanggang sa pintuan ng airport.

Hanggang doon na lang siya dahil hindi na puwedeng pumasok sa loob.

Natapos ang kanilang paghihiwalay sa walang patid na kawayan.

Bumalik na si Jude sa kanyang Revo.

Dito na lang niya aabangan ang paglipad ng eroplano na sinasakyan ng asawa.

Nang tumaas na ang eroplano, parang tangang bumabay pa siya.

At nang mawala na ito sa kanyang paningin, saka lang niya naisipang umalis.

Tinatamad siyang bumiyahe …

Kulang pa ang kanyang pahinga makaraan ang halos magdamag na salpukan nila ng asawa.

Uuwi muna siya ng bahay para ituloy ang pamamahinga.

Hindi naman maiwasang kabahan ni Sally habang lulan ng lumilipad na eroplano.

Hindi kasi niya alam ang kapalarang naghihintay sa kanya sa bansang Taiwan.

Ang tanong niya sa sarili ay hindi kung tatagal siya sa nasabing bansa kundi kung tatagal siya na walang seks.

Kaya kaya niya? ITUTULOY

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply