‘Kariton ng kahirapan’ pumarada sa Palasyo

IPINARADA ng mga militanteng grupo ang tinawag nilang “Mga Kariton ng Kahirapan” sa tapat ng Palasyo ng Malakanyang upang ipamukha kay Pangulong Benigno Aquino III na lalo silang naghihirap dahil sa kanya.

Isang linggo bago ang selebrasyon ng Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao sa Disyembre 10, nagdaos ng “Parada ng mga Kariton at Martsa ng mga Maralita” ang Kadamay-NCR, Bayan Muna at mga drayber ng kuliglig at pedicab sa Kamaynilaan para iprotesta ang mga “dagdag-pahirap ni PNoy kay Juan dela Cruz.”

Mula España hanggang Mendiola, nagparada ng mga kariton na naglalarawan ng kahirapan ang mga kalahok sa protesta.

Ayon kay Joy Lumawod, tagapagsalita ng Kadamay-NCR (Kalipunan ng Damayang Mahihirap), ang kariton ay simbolo ng kahirapan.

Aniya, sadyang ipinagkakait sa mamamayan ang karapatang mabuhay nang sapat at disente ng gobyerno ni Pangulong Aquino.

Ani Lumawod, ang Private-Public Partnership ay dambuhalang halimaw para sa mga Filipino dahil sa mga banta ng demolisyon, pagtaas ng singil sa toll fees, presyo ng petrolyo at iba pang bilihin.

Wala silang laban dito dahil kapag tumutuol sila o lumaban, dahas ang itutugon sa kanila ng gobyerno.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply