Kasangga sa kalungkutan

LUNGKOT ang isa sa mga pinakamatitinding kalaban ng ating mga kababayan na nakikipagsapalaran sa ibang bansa.  Para itong isang sakit na nagpapahina ng kanilang loob at bumubuwag sa kanilang determinasyon sa pananatili roon.

Tubong Pangasinan si Von, isang chef sa Singapore, subalit lumaki siya sa Guadalupe sa Makati City kung  saan  siya  pumasok ng elementarya.

Dumating ang panahon na nagkolehiyo siya at kumuha ng kursong arkitektura.

Sapagkat hindi naman galing sa mayamang angkan ay tinulungan niya ang kanyang sarili sa pag-aaral sa pama-magitan ng pagiging working student sa isang restaurant sa Greenbelt, hanggang sa ang kanyang plano balang araw na maging isang arkitekto ay napalitan ng passion para maging isang kusinero o chef.

Isang oportunidad na makapagtrabaho sa ibang bansa ang dumating kay Von nang ang isang dating kasamahan sa pinagtrabahuhan niyang restaurant ay makarating sa bansang Singapore at mangailangan ng dagdag na manpower ang pinagtatrabahuhan nito.

Sapagkat likas ang husay pagdating sa pagluluto na natutuhan niya sa kanyang ina na siya niyang naging unang guro sa aspetong iyon ay napadali para kay chef Von na makuha ang tamang timpla ng panlasa ng mga customer nila sa Singapore.

Isa siya sa mga pioneer sa restaurant na kanyang pinapasukan doon.

Isang payak na buhay ang  iniwan  ni  Chef Von sa Pilipinas upang mabigyan ng mas maayos at maginhawang buhay ang kanyang pamilya.

Subalit sadyang may kaakibat na pagsubok ang buhay at tunay na walang madali sa mundo.

Kaakibat ng kaginhawahan ay kalungkutan bunga ng pagiging malayo sa mga mahal sa buhay.

oOo

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO. (ITUTULOY)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply