Kaso kay GMA inaasahang bubuhos pa

UMAASA ang Malakanyang na bubuhos pa ang kaso laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo matapos sampahan ng Ombudsman ng kasong graft sa Sandiganbayan.

Sinabi ni Presidential Political Adviser Ronald Llamas na hindi lamang sa kasong graft matatapos ang kasong kinasasangkutan ni Mrs. Arroyo kaya okey lang sa kanila kung graft at hindi plunder ang isinampang kaso ng Ombudsman sa Sandiganbayan.

“Tingin ko marami naman kasing cases eh na naipa-file, isa lang ito sa mga kasong ‘yon kaya—tapos malinaw ‘yung graft is still graft ‘no. Malinaw ‘yung culpability nung former President doon sa kaso na ‘yon,” aniya pa rin matapos ang paggunita sa ika-115 anibersaryo ng Pambansang Bayani Dr. Jose Rizal kahapon sa Luneta, Maynila sabay sabing “maraming nakasampa sa Ombudsman, sa DOJ ‘no.  Halimbawa, off-hand ‘yung sa PCSO case. .”

Sa kabilang dako, ipinaliwanag naman nito na graft ang isinampa laban sa dating lider dahil ang plunder aniya ay mas complex.

“Yung graft mas straightforward eh, ‘yung kaso na ‘yan. Sa plunder kasi meron kang series of transactions, kailangan may minimum ka na P50 million. Baka during the investigation ay hindi pa malinaw kung ano talaga ‘yung actual amount so paano ka magpa-file ng plunder kung hindi above P50 million ‘no. So ang malinaw lang may culpability si former President, ibig sabihin liable siya whether graft or plunder; ibig sabihin may nakita talaga na maling ginawa. ‘Yon ‘yung mahalaga pero hindi ko pa nakikita ‘yung buong laman ‘no pero ganoon lang ‘yung isang possibility. Technically kasi ang plunder should be above P50 million. Kung hindi mo pa na-determine ‘yung pera ay baka mahihirapan kang mag-file ng plunder,” anito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply