Kaso kay Palparan ikinatuwa ni Pangilinan

IKINATUWA ni Senador Francis Pangilinan ang ginawa ng gobyerno na pagsasampa ng kaso kay dating Major General Jovito Palparan Jr. at  anim  iba para sa kidnapping at serious illegal detention sa dalawang UP activists noong 2006.

Umaasa si Pangilinan, chairman ng Senate Committee on Social Justice,  makapagbibigay ito ng malakas na senyales sa mga naniniwala na protektado sila ng cloak of impunity.

” Kailangang managot ang mga may sala, at ito na ang pinakamagandang pamaskong handog sa mga pamilyang matagal nang nagluluksa at naghahanap ng hustisya,” ani Pangilinan.

Gayundin, umaasa ang senador na mareresolbahan ng korte ang iba pang kaso na tulad nito.

“We believe that it is with the unwavering effort of Justice Secretary Leila De Lima that we may finally hope to succeed in our efforts at ending impunity. It is not an easy task, for sure, but we will support all efforts to find resolution, justice, and closure to the cases of missing persons and victims of senseless killings. It is about time we address these issues. Only then can we move on as a nation, one that guarantees equal protection for its citizens,” ani Pangilinan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply