Kaso ng HIV/AIDS sa bansa tumataas pa

NABABAHALA si Senador Miriam Defensor-Santiago sa patuloy na pagtaas ng HIV at AIDS victims sa bansa.

Aniya, 1 500 ng mga Pinoy ang nagkakasakit at kinailangang dumaan sa Anti-Retroviral Treatment (ART) na kung saan gagastos ang gobyerno ng P45 million kada taon para sa naturang gamutan.

Sa lumabas na pag-aaral ng senadora, sa 2015 ay aabot sa mahigit pitong libong milyong ang HIV at AIDS victims kung hindi maiibsan ang bilang ng mga ito.

Dahil dito, inihain ni Santiago ang Senate Resolution 658 na nagsasaaad ng programang tutulong sa mga biktima ng Sexually Transmitted Diseases.

Kabilang dito ang HIV Education, counselling and testing, diagnostic at iba pang treatment sa mga biktima, gayundin ang pagpro-promote ng safe sex sa publiko.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply