Kaso ni Corona tatapusin sa isang buwan – Joker

MAAARING matapos ng Senado ang tungkulin nito bilang Impeachment Court sa loob ng isang buwan sa paglilitis kay Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona kaya posibleng mahatulan ito sa Valentine’s Day sa Pebrero.

Ganito ang pagtataya ni Sen. Joker Arroyo dahil nakapaghain na ng sagot si Corona sa walong articles of impeachment habang ang Kamara ay inaasahang magbibigay naman ng kasagutan sa susunod na linggo.

“With that, the Senate should be able to make a ruling, whether it is conviction or acquittal, and finish the trial in one month,” ayon kay Arroyo na nagsilbi din bilang prosecutor sa Estrada impeachment trial noong December 2000 hanggang January 2001.

Binanggit ng senador ang impeachment trial ni dating US President Bill Clinton sa US Senate na inumpisahan noong Enero 7, 1999 at natapos ng Pebrero 12, 1999 at tumagal lamang ng 33 araw kung saan naabsuwelto ang akusado.

Pinaliwanag pa ni Arroyo na kahit walo ang articles of impeachment laban kay Corona, hindi naman ito kumplikado dahil karamihan  dito ay mga public documents tulad ng mga desisyon ng SC na opisyal na pina-published sa Supreme Court Reports Annonated (SCRA); ang proceedings sa Judicial and Bar Council (JBC); at ang dalawang Temporary Restraining Order (TRO) na pinalabas ng High Court.

Dinagdag pa ng senador na ang Statements of Assets and Liabilities (SAL), Judiciary Development Fund (JDF)at ang Special Allowance for the Judiciary na inungkat sa reklamo ay pawang hawak ng mga kinauukulang judicial agency.

Nagtatataka rin si Arroyo kung bakit kinakailangan pa nilang magsuot ng toga at maging televised ang paglilitis samantalang sa US Senate ay hindi naman sila nagsusuot ng toga at pinipili rin nila kung anong bahagi lamang ang maaaring ipanood sa publiko.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply