Kaso vs Palparan hindi minadali ng DOJ

HINDI minadali o pinilit ng Department of Justice (DOJ) ang kaso laban kay retired Major Gen. Jovito Palparan.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte ay dumaan sa masusing imbestigasyon ng binuong preliminary investigation team ang nabanggit na kaso ni Palparan.

Matatandaang, inaprubahan na ng DOJ ang pagsasampa ng kasong kidnapping at serious illegal detention laban kay Palparan kaugnay sa pagkawala ng dalawang aktibistang sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño.

Aniya, Hunyo pa nabuo ang komite kaya mahaba-haba ang panahon na dininig ang mga reklamo at testimonya ng mga testigo.

Tiniyak din nito na mahigpit din umano ang direktiba ng Pangulong Benigno “PNoy” Aquino na huwag magsasampa ng mga kasong mahina at hindi tatayo sa korte. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply