Kasong plunder iginiit vs GMA

IGINIIT ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño na masampahan ng kasong plunder si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Sinabi ni Casiño, natutuwa siya dahil sa wakas ay naisampa na ang kasong graft and corruption laban kay Arroyo pero hindi umano sapat ang isinampang kaso.

Gayunman, ani Casiño, hindi umano siya titigil sa paggawa ng paraan upang masampahan ng kasong plunder si Ginang Arroyo.

Nanawagan rin si Casiño sa Ombudsman dahil tila nagsasarili umano ito sa trabaho kaya mahina ang kalidad ng trabaho.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply