Kasuhan ang dapat kasuhan, ikulong ang dapat ikulong

ANG mga puna at reaction ng ating mga mamamayan na may kinalaman sa mga bumabatikos sa pamamalakad ni Pangulong Noynoy Aquino ang bibigyan natin ng daan sa espasyong ito.

Hindi natin maalis na hindi tayo mapulaan ng mga kritiko ni PNoy, maging tayo na mismo na nagsusulat ng pabor sa Pangulo ay kasama sa mga binabatikos.

Ganyan talaga ang buhay na kapag nakagagawa ka ng kabutihan sa kapwa at sa bayan mo ay lalong nagngingitngit ang mga kritiko.

Basahin natin ang nilalaman ng puna at reaction ng ating mga  text tipster.

Good am, Sir Johnny. Puna ko lang sa mga taong bumabatikos sa pamamalakad ni Pangulong Noynoy Aquino.

Sadyang ganyan siguro ang mentalidad ng karamihan sa atin. Hindi ko ibinoto si PNoy pero salamat at siya ang nagwagi. Sana ay kasuhan niya ang dapat na kasuhan at ikulong ang dapat na ikulong.

Huwag niyang pansinin ang mga bumabatikos sa kanya.

Natural lang ‘yan. Ako ay isang security guard, mahirap ngunit nagsisikap kaming mag-asawa para sa kinabukasan ng aming dalawang anak.

Hindi namin inaasa sa gobyerno ang aming pangangailangan. Ikaw, kayo, tayong lahat ay dapat ganito!

Dahil ang ating Pangulo ay abala rin sa pagsisikap na mapaunlad ang ating bansa.

Tulungan natin siya dahil ang pagiging responsable ng bawat isa ay milyong tulong natin para umunlad ang mahal nating bansa.

LOTTENG AT DRUGS ANG KALAKAL

Hindi man lamang mapatigil ng kapulisan ng Pasay City ang ‘untouchable’ na pa-lotteng ng isang alyas Carlo.

Ang balita ko pa, ‘di lang lotteng ang inooperate ni Carlo kundi maging ang distribusyon ng “drugs” sa Pasay City.

Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@ yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply