Kaya nabingwit ang dalaga: Pati mga magulang ni Pauleen niligawan ni Bossing

PINAGHALONG luma at bagong diskarte raw ang ginamit ni Vic Sotto kay Pauleen Luna kaya nakuha nito ang matamis na oo ng dalaga.

‘Yung makabagong style ay ang pagbibigay daw ng regalo sa dalaga. Nung una, ayaw daw sanang tanggapin ni Pauleen ang gift ni Bossing at pinababalik pa nga raw nito. Pero kalaunan, dahil sa dibdiban at matinding diskarte raw ng magaling na comedian/TV host ay lumambot daw ang puso ng una.

Mas lalo umanong bumilib ang magandang dalaga nang pati ang parents nito ay inakyat din nang ligaw ng medyo may edad na ring mama.

Sabi pa, parang bumalik daw talaga sa kanyang kabataan ang isa sa bidang ito ng “Enteng ng Ina Mo” (kasama si Ai-Ai Delas Alas) na palabas na sa Disymebre 25, dahil umabot pa sa puntong kinausap nito nang masinsinan ang tatay ni Pauleen at binigyan daw ng assurance ni Bossing Vic na hindi niya paiiyakin, lolokohin at ipagpapalit sa iba ang anak nito.

Aba’y na-touch daw ang fadir at napayapa ang damdamin nito. Bagama’t kontra raw ang ilang kamag-anak ng bagong GF niya sa kanilang relasyon, wala na itong merit, kung baga sa kaso. Bakit? Gets na ni Pareng Vic ang kalooban ng mga magulang at  babaeng nililiyag niya ay nasilo na niya, bakit pa niya iintindihan ang sasabihin ng mga kadugo nila o ng ibang tao?

Kaya… ikaw na, Vic Sotto! Hahaha!

***

Maraming pinaiiyak si Budoy

PINARANGALAN sa katatapos lang na 2011 Anak TV Seal Awards ang Kapamilya drama prince at “Budoy” lead star na si Gerald Anderson bilang isa sa mga “Favorite Anak TV Makabata Star.”

Labis ang saya ng aktor sa natanggap na pagkilala at sa lahat ng biyayang natatamo niya kabilang ang box-office hit movie nila ni Sarah Geronimo na “Won’t Last A Day Without You” at ang pangunguna ngayon sa ere ng Primetime Bida teleserye niyang “Budoy.”

“Laking pasalamat ko sa mainit na suporta ng mga tao sa lahat ng ginagawa ko lalo na sa “Budoy.” Masaya ako na marami kaming nai-inspire sa show at sana patuloy nila kaming samahan sa pagpapatuloy ng kwento dahil marami pa pong rebelasyong dapat abangan sa kuwento,” ani ni Gerald.

Samahan si Gerald at gabi-gabing pangitiin ang puso kasama ang ‘powerhouse cast’ ng “Budoy” kabilang ang promising young stars na sina Jessy Mendiola at Enrique Gil; mga tinitingalang haligi ng industriya na sina Dante Rivero, Gloria Sevilla, at Barbara Perez; at ang ilan sa mga pinakamahuhusay sa larangan ng pag-arte na sina Tirso Cruz III, Zsa-Zsa Padilla, Mylene Dizon, Christian Vazquez, at Janice de Belen.

Tutukan ang “Budoy” pagkatapos ng “Ikaw ay Pag-ibig” sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.budoy.tv, sundan ang @budoy_tv sa Twitter, at i-“like” ang www.facebook.com/budoy.tv.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maaari  n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan.

Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply