KC Concepcion goodbye na sa pa-tweetums!

KAHIT na nasa planning stages pa lang, tiyak na aabangan na nang marami, lalo na ng fans ni KC Concepcion, ang napababalitang goodbye na ito sa “pa-tweetums” na role at this time ay isasama siya ng Viva Films at ng Star Cinema sa mga daring stars at bida ng biggest hit movie na No Other Woman na sina Anne Curtis at Derek Ramsay minus Cristine Reyes na may malaking project naman daw sa 2012 sa dalawang nabanggit na movie outfits. Wala pang sinasabi kung ano ang magiging role rito ni KC pero tiyak na pag-uusapan raw ang mega daughter sa kanyang mga scenes sa movie na nakatakdang idirek uli ni Ruel S. Bayani na director ng No Other Woman.

For us, right decision at right career move ito for KC lalo pa’t hindi ganoon kaganda ang nangyari sa career niya ngayong 2011 at nadagdagan pa ito ng masaklap na break-up nila ni Papa Piolo Pascual.

By the way, mananatiling Kapamilya talent si KC kung saan finally ay pumirma na ito ng kontrata sa ABS-CBN kasama ang manager na si Boss Vic del Rosario. Hindi lang ang pinakamalaki at pinakamagastos na teleseryeng ALTA ang gagawin ng sikat at magandang youngstar kung saan makakasama nito sina Gretchen Baretto, Angelica Panganiban etc. Todate, siya rin ang napili ng Kapamilya na mag-host ng franchise rito sa Pinas na “X Factor” ni Simon Cowell. Winner gyud si Kassandra.

***

Pokwang, nakatanggap ng standing ovation

IBANG level na talaga itong si Pokwang dahil kung may “Atsay” at “Merika” si Nora Aunor at “Anak” naman si Batangas Gov. Vilma Santos, siya (Pokie) naman ay may pelikulang puwedeng ipagmalaki sa lahat at ito ay isa sa opening salvo ng Star Cinema na “A Mother’s Story” na produced ng TFC o The Filipino Channel.

Isa kami sa masuwerteng nakapanood ng full trailer nito sa nakaraang grand presscon na ginanap sa Dolphy Theater. Sa Amerika kinununan ang kabuuan ng pelikula kung saan co-star ni Pokwang rito sina Rayver Cruz at Xyriel Manabat na gumaganap na mga anak niya, Nonie Buencamino (mister), Beth Tamayo, Ana Capri at nanay ni Pokie sa movie na si Daria Ramirez. At base sa aming napanood, kumbinsido kami na para nga kay Pokwang ang film na ito at madadala ka talaga sa bawat eksena niya bilang OFW na naninilbihan sa puti na tinatrato siyang parang hindi tao.

Remember, nagtrabaho noon si Pokie sa Japan at Dubai bilang OFW at performer kung saan dahil sa hirap ng buhay ay hindi makauwi ng bansa para masilip man lang ang bangkay ng kanyang batang anak na lalaki na namatay dahil sa sakit na brain tumor. “Hanggang ngayon tuwing naiisip ko ang nangyari sa anak ko, iyak pa rin ako nang iyak. Gusto ko man siyang makita kahit sa huling hininga niya ay wala akong magawa, di ako makauwi dahil wala nga akong kapera-pera. Na noong tawagan ko ang tatay na Hapon ng anak ko, sabi nito’y wala na raw kami kaya wala na rin siyang paki sa amin.

Ang sakit-sakit! Grabe ang laking sakripisyo noon sa buhay ko na ngayon ay nalagpasan ko na ring lahat sa tulong at awa ng itaas,” maramdamin pang pahayag ng sikat na TV host-comedienne sa harap ng mga invited entertainment press.

Ngayon, dahil sa movie niyang ito kung saan nakatikim siya ng standing ovation sa mga kapuwa Pinoy at foreigner nang magkaroon ito ng international premier night sa Alex Theater sa Amerika, certified dramatic actress na ang komedyana na aminadong malaki ang naitulong sa kanya ng paglabas niya sa isang episode ng “Maalala Mo Kaya” at pagiging OFW na rin. Posibleng masungkit ni Pokwang ang Best Actress Award sa 2012 para sa iba’t ibang award giving bodies. Ang A Mother’s Story ay idinirek ni John D. Lazatin. Flattered ang komedyana dahil mismong chairman ng ABS-CBN na si Sir Gabby Lopez ang pumili sa kanya para magbida sa film na ito na palabas na sa mga paborito nyong sinehan sa Jan 8. Ikaw na! Gyud Pokie.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply