KC Concepcion walang balak lumipat sa TV5!

HINDI totoo na lilipat na sa TV5 si KC Concepcion para sundan ang kanyang ina na si Sharon Cuneta. Solid Kapamilya pa rin si KC pero hindi na under Star Magic dahil si Vic del Rosario ng Viva Entertainment, Inc. na ang kanyang bagong manager.

Masaya si KC na isa pa rin siyang Kapamilya at gagawin niya ang “Alta” kung saan ay kasama sina Gretchen Barretto at Angelica Panganiban.

Tuloy rin ang hosting job niya sa ASAP every Sunday. Of course, magkikita rin sila ng kanyang ex na si Piolo Pascual sa naturang programa.

Talbog!

-0o0-

SUMAMA kami sa parada ng Metro Manila Film Festival na nagsimula sa MOA hanggang Luneta Grandstand. Isa ito sa parada na maraming tao mula Moa hanggang sa kahabaan ng Roxas Boulevard at nagkumpul-kumpol sa Luneta. Bumalik na talaga ang sigla ng film-fest pagdating sa parade.

Sumakay kami sa float ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story na pinakamagastos at may simbahan pa sa likod. Isa ito sa pinakamaganda at pinakamagarang float bukod sa ‘Panday 2.’

Bago magsimula ang parada ay balitang sasakay si Carla Abellana sa float ng Asiong Salonga bilang leading-lady ni Gov. Jeorge ‘ER’ Estregan.

Pumayag na raw si Mother Lily pero napag-alaman naming na hindi raw pumayag si Roselle Monteverde Teo.

Ang kontrobersyal na pelikula na The Asiong Salonga ay showing na ngayon kahit may TRO na isinampa si Direk Tikoy Aguiluz. Graded A ito sa Cinema Evaluation Board dahil sa tino at ganda ng naturang pelikula.

“We have removed his name sa prints,” sey naman ng publicist ng pelikula na si Jobert Sucaldito “and we are mobilizing the billboards, kasi yung iba nakatayo na kasi.

“Sa mga prints, sa mga trailers, tinanggal na.

“Tinanggal na rin siya sa music video ni Gloc9 and the Ely Buendia [music video].”

Ayon pa sa kaibigang Jobert: “As far as movies for exhibition are concerned, the producers have the last say. Nakasaad yun sa batas. I-contést na lang niya.

“As for his name, tinanggal na ang name niya in the best of the capacity of the producers.”

Sa parada nakita rin namin na binura na ang pangalan ni Tikoy sa ipinamumudmod na pamaypay. Kung puwede nga lang burahin din ang name niya sa mga t-shirts na inihahagis, nagawa na.

Tsuk!

-0o0-

SA NATURANG parada ng MMFF ay nakita naming sumakay sina Jeorge ‘ER’ Estregan, ang guwapo niyang anak na si Jerico Ejercito, Jaycee Parker, Baron Geisler, Yul Servo, Ketchup Eusebio, Dennis Padilla, Gerald Ejercito, John Regala, Joko Diaz at Archie Adamos.

Gandang-ganda rin kami sa version ng Gloc9 sa theme song nito na Hari ng Tondo.

Pinag-uusapan din na pang-best actor ang performance ng ER dito at kikita ang pelikula sa pamamagitan ng word of mouth paglabas ng sinehan dahil de–kalidad naman talaga ang action film na ito. (Very, very TRUE! – ED)

‘Yun na!

-0o0-

AFTER ng successful concert ni Joel Mendoza sa San Diego na kung saan ay guest niya si Lani Misalucha, matagumpay rin ang guesting niya sa isang show sa Heritage Hotel. Joel is such a big hit na talagang mani na lang sa kanya ang mga fine performances.

Balak niyang magkaroon din ng major concert sa Pinas kung saan ay pababalikin rin niya si Lani Misalucha.

Anyway, nakabibilib din na nagsidating ang maraming fans at friends ni Joel mula pa sa San Diego, California where he regularly stays.

Sanrekwa talaga yung old timers na sumuporta kay Joel, bukod pa sa mga fans niya rito sa Pilipinas.

It was a great evening dahil talaga namang minsan pa ipinakita niyang puwede siyang magkaroon ng puwang sa Filipino audiences.

By the way, nangalay ang mga daliri ni Joel sa pagpirma ng mga albums niya na napakarami ang bumili sa lobby ng Heritage. Aba! Lahat yata ng nanood di talaga pumayag na di makabili ng kanyang Pakinggan Mo Ako album.

Congrats!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply