Keep-off ni Lacierda sa Supreme Court sinopla

SINOPLA ng abogado ni dating First Gentleman Mike Arroyo ang pahayag ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na hindi dapat makialam ang Korte Suprema sa impeachment case laban kay Chief Justice Renato Corona.

Tahasang sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio na ang pahayag ni Lacierda na “keep off” ang SC sa impeachment ni Corona ay kahayagan lamang diumano ng pagiging arogante at maipilit lamang ang mga nais nitong mangyari sa co-equal branch ng gobyerno.

Ipinaliwanag ni Topacio ang nakasaad sa 1986 Constitution na ang Kataas-taasang Hukuman ay may kapangyarihan na magdesisyon sa validity ng kinikilos ng iba pang sangay ng gobyerno.

Bilang patunay aniya nito ay ginamit ng SC ang kapangyarihan nang magdesisyon na ang dalawang impeachment complaint ay hindi maaaring ihain laban kay dating Chief Justice Hilario Davide sa loob ng isang taon.

Giit pa ng abogado na hindi akma para kay Lacierda na magbigay ng hudyat sa mga mahistrado ng Korte Suprema bilang pagsuway sa inaayos na diwa ng mga batas o jurisprudence.

Banat pa ni Topacio na ipinagtataka rin niya kung si Lacierda na isang private practitioner ay hindi humahawak ng kahit anong kaso na may kaugnayan sa karapatan ng mga mahihirap at biktima ng kawalan ng hustisya ay mayroong katapangan na makipagtalo sa Korte Suprema kung wala sa likod nito ang Malakanyang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply