Kelot binaril dahil sa utang

ISANG lalaki ang binaril ng kanya umanong inutangan sa Sta. Mesa sa lungsod ng Maynila kaninang madaling araw.

Ang biktima ay kinilalang si John Leonard Pavilion ay nagtamo ng tama ng bala sa kanyang paa. Samantalang ang suspek na si Kenneth Mangubat, 20, ay naaresto naman ng mga pulis.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, naglalakad si Pavillion kasama ang mga kaibigan malapit sa isang motel nang komprontahin ito ni Mangubat dahil sa pagkakautang ng huli.

Sinabi ng biktima na nabayaran na niya ang kanyang atraso sa suspek subalit iginiit nito na hindi pa ito nagbabayad kung kaya’t humantong ito sa mainitang pagtatalo na nauwi sa pamamaril.

Ihinihahanda na ng pulisya ang kasong kakaharapin ng suspek.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply