Kelot na busy sa text, nalaglag sa barko

DAHIL sa pagiging abala sa pakikipag-text, patay ang isang lalaki nang aksidenteng mahulog mula barko na sakay ng Roll-on Roll- off (RoRo) vessel at hindi suicide, katulad sa ulat ng pulisya kahapon.

Ito ay base sa pahayag ng kaibigan at kasama ng biktima na si  Manuel “Ninoy” Tillano, 23, ng Calao, Dumangas, Iloilo na unang iniulat na nagpakamatay sa paglundag sa RoRo kahapon.

Sa follow-up investigation ay nilinaw  ng kaibigan ng biktima na si Rudy Dugay na kasama nito sa pagbibiyahe na aksidente ang nangyari.

Nagte-text ang biktima dakong alas-11:35 ng tanghali nang biglang humampas ang malaking alon sa barko at hindi nakabalanse si Tillano kaya nahulog sa RoRo.

Umabot naman sa 20 minuto bago na-rescue ang biktima at agad na isinugod sa pagamutan ngunit hindi naagapan at idineklarang patay na.

Sinasabing papadaong na sana ang barko na LCT Holy Family Navistar Company sa Bredco port sa Bacolod City mula sa Dumangas, Iloilo nang mahulog ang biktima may 2 nautical miles ang layo mula sa pantalan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply