Kelot na pumatay sa Pulis Pasay nasakote

NAHULI na ang lalaking sinasabing pumatay sa isang pulis Pasay noong nakaraang Mayo nitong taon.

Ang suspek ay kinilalang si Absamin Musa na bumaril at pumatay umano kay PO3 Maphilindo Prades.

Ayon sa pulisya, ilang buwan din nilang tinutugis ang suspek at natiyempuhan nila ito kagabi at kaagad isinilbi nila ang kanyang warrant of arrest.

Matatandaan na noong ika-12 ng Mayo nitong taon habang kasama si PO3 Prades sa isinasagawang clearing operation sa Baclaran ng ito ay barilin ng salarin.

Kaagad dinala sa San Juan De Dios Hospital ang biktima subalit binawian ito ng buhay dahil sa tama ng bala sa ulo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply