Kelot naglasing muna bago nagbigti

NAGLASING muna bago nagpatiwakal ang isang lalaki sa loob ng kanyang tahanan kahapon ng hapon (Disyembre 11) sa Cupang, Muntinlupa City.

Inaalam pa ngayon ng awtoridad kung may naganap na foul play sa pagpapakamay ng biktima na kinilalang si Julian Victoria, Jr. na natagpuang nakapulupot ang isang kumot sa kanyang leeg sa No. 29 Purok-1, Brgy. Cupang sa nabanggit na lungsod.

Batay sa ulat ng pulisya, unang nakitang buhay ang biktima dakong 1:00 ng hapon na bumibili ng alak sa kalapit na tindahan at nag-inom sa loob ng kanyang silid tulugan.

Makalipas ang ilang oras, hindi na umano lumabas ang biktima at bandang alas-5:00 ng hapon nakita na lamang ang biktima sa loob ng kanyang silid na nakabitin sa barandilya ng bintana at nakapulupot ang isang kumot sa leeg katabi ang ininom na alak.

Walang nakitang suicide note mula sa biktima kaugnay sa kanyang papapatiwakal.

Ayon sa mga kasama sa bahay ng biktima, wala naman umano silang alam na dahilan para magpakamatay ito at wala rin umano silang alam na malaking problema para ito ay magbigti. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply