Kelot nang-hostage ng 3 bata

KASALUKUYANG nakikipag-negosasyon ang mga awtoridad sa isang lalaki para makawalan ang tatlong batang hinostage kaninang umaga sa Toledo City, Cebu.

Patuloy na pinakiki-usapan ng mga pulis ang suspek na kinilalang si Allan Bolo, nasa hustong gulang, na huwag idamay ang tatlong menor de edad na hinostage sa Barangay Biga ng nasabing lungsod.

Bitbit ng suspek ang itak at pilit na isinama ang talong na kanyang kapitbahay.

Ayon sa inisyal na ulat ng hepe ng Lutopan Toledo Police, Inspector George Macapobre, nag-away ang mag-asawa at lumabas ito ng bahay at sa tindi ng galit ni Bolo sa asawa ay nang-hostage ito ng kanilang kapitbahay.

Ang punong-barangay ng Biga Toledo ang siyang nangunguha ngayon sa pakikipagnegosasyon para sumuko ang suspek.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang ginagawang negosasyon ng mga barangay at pulisya para mapayapang mapalaya ang tatlong hinostage na bata. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply