Kelot nang-hostage ng sariling lola: parak sinaksak sa mukha

SINAKSAK sa mukha ang isang PNP official Naga City makaraang sawayin ang isang nagwawalang lasing at nang-hostage pa ng sariling lola kaninang madaling araw, Disyembre 30.

Kinilala ang naturang opisyal na si S/Insp. Wilmor Guerrero Jalmani, deputy chief ng Naga City PNP Station 3 habang nakilala naman ang suspek na si Fredo Alajandre Jr., 19.

Nabatid na isang impormasyon galing sa kamag-anak ng suspek ang natanggap ng grupo ni Jalmani na nanggugulo si Alajandre sa bahagi ng Molave St., Barangay Liboton.

Hindi naman umano inaasahan ng grupo ni Jalmani na hostage pala ng suspek ang lola nito na si Concio Redasco y Villaflores at ipinagsisigawan pang sasaksakin ito.

Sinubukan umanong makipagnegosasyon ng naturang opisyal sa suspek at nang makalapit ay inundayan ito ng saksak gamit ang isang kitchen knife na may habang mahigit sa 13 pulgada.

Napilitan umanong iputok ng pulis ang hawak nitong baril dahilan upang tamaan si Alajandre sa kaliwang balikat.

Agad namang dinala sa ospital ang dalawa na kasalukuyang nagpapagaling.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply