Kelot patay sa karambola ng mga sasakyan

PATAY ang isang ginang matapos magkarambola ang tatlong sasakyan na kinabibilangan ng isang pampasaherong dyip, isang Toyota Innova at taxi sa lungsod ng Lapu-Lapu sa lalawigan ng Cebu.

Ang biktimang namatay ay kinilalang si Venciolita Maglasang, 43 at residente ng lungsod ng Liloan.

Maliban sa nasawi, lima pa ang nasugatan sa naturang aksidente. Kabilang dito sina John Loi Rellon, 19; Radjan Ducusin, 20; Roy Jessei Trispalacios, 19; Gerwin Maglasang, 7; at Novie Mae Maglasang, 9.

Base sa imbestigasyon, sakay ng dyip na may plakang GXL-867 si Maglasang ng makabanggaan nito ang isang taxi na may plakang GXD-443 at isang Innova na may plakang VGA-477 na minamaneho ng isang Angelito Libus, 44 at residente ng Brgy. Angasil, Lapu-Lapu City.

Ayon kay PO2 Adolfo Romello, biglang nag-overtake umano ang taxi sa dyip sa may bandang kanan nito na siyang ikinabangga ng dyip at tumawid ito sa kabilang kalsada na binangga naman ito ng kasalubong na Innova.

Patuloy naman hinahanap ng pulisya ang drayber ng taxi na kaagad umanong tumakas matapos ang insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply