Kelot patay sa kuryente

PATAY ang isang 27-anyos lalaki matapos itong makuryente nang mahawakan ang bakal na may kawad ng kuryente sa Paco, Maynila kagabi (Disyembre 9).

Hindi na naisalba pa ng mga doktor sa Sta.Ana Hospital  ang biktimang si Felomino Diomeda,binata, laborer at stay in sa Manuel Roxas High School sa Pres. Qurino Avenue, Paco, Maynila.

Sa  report ni SPO1 Ramir Dimagiba, ng MPD-Homicide Section, may kinukumpuni umano ang biktima nang hindi sinasadyang mahawakan ang isang bakal na bilog (GI pipe) na may kawad ng kuryente.

Dahil umano maulan at basa ang naturang bakal ay biglang nangisay ang biktima  dahil sa pagkakuryente.

Agad naman itong naisugod ng kanyang mga kasamahan sa naturang ospital ngunit namatay din ito makalipas ang ilang oras.

Dinala sa St. Charbell Funeral Homes ang bangkay ng biktima para sa autopsy at safekeeping. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply