Kelot pinagtulungan ng apat

PATAY ang isang 21-anyos na binata matapos itong pagtulungang saksakin ng isang siga at ilang kabarkada nito kaninang umaga sa Sampaloc, Maynila.

Idineklarang dead on arrival sa Ospital ng Sampaloc ang biktimang si John Andres Cuevas.

Inaresto naman nina Kagawad Maria Paz at Kagawad Rey Puato ng Brgy. 413 Zone 14 Dist.4 Samploc, Maynila ang mga suspek na sina Rofus Shalonggo, 22, at Anthony Santos, 32.

Nakatakas naman ang dalawa pa nilang kasamahan na sina Jason Baroga at Jon-jon Nano.

Sa report ni SPO1 John Chrles Duran, imbestigador ng MPD-Homicide Section na dakong alas-6:20 ng umaga ng mangyari ang insidente.

Ayon sa testigong si Alvin Carbinilla, 16, nag-iinuman umano ang mga suspek nang mapadaan ang biktima at niyaya itong tumagay.

Makalipas ang ilang sandali ay umalis umano sina Shalonggo at Santos at iniwan mag-isa ang biktima sa inuman at nagbanta na na babalikan siya ng mga ito.

Naging kampante naman si Cuevas na walang gagawin ang suspek sa kanya kaya naghintay ito ngunit pagbalik ng dalawa ay kasama na sina Baroga at Nano.

May dala na umanong panaksak ang mga suspek  hanggang sa nagkahabulan sa lugar at bigla na lamang bumagsak ang biktima na duguan dahilan upang itakbo ito sa Ospital ng Samploc.

Maagap naman nakapagresponde ang mga kagawad ng barangay at naaresto ang dalawang suspek na kanila namang ibinigay sa MPD-station 4 bago dinala sa MPD-headquarters kung saan sila ngayon nakakulong.

Kaugnay nito, napag-alaman na kilala umanong siga sa lugar si Santos at laging nangungursunada at may mga pending din itong mga kaso.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa kaso para sa ikadarakip pa ng dalawang nakatakas na suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply