Kelot pisak sa trak, tigbak

TIGOK ang isang lalaki matapos maatrasan ng trak at maipit sa gate sa Valenzuela City kaninang umaga.

Dead on arrival sa Valenzuela General Hospital sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Christopher Pajarito, 21, stay-in sa Stone Phill Compound sa F. Bautista St., Ugong ng lungsod.

Kusang loob naman sumuko si Herbert Reyez, 27, taga-Bangued, Abra at drayber ng Isuzu ten-wheeler truck (TCN-946).

Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng umaga, binuksan ng biktima ang main gate ng Stone Phill upang makapasok ang trak ni Reyes na magdidiskarga.

Paatras na pinasok ni Reyes ang trak subalit hindi napansin ang biktima na nabundol ng likod ng trak.

Naipit pa ang biktima sa pagitan ng trak at gate.

Agad na isinugod sa VGH ang biktima habang sumuko naman sa mga pulis si Reyez.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply