Kelot tinaniman ng bala sa ulo

UTAS ang isang construction worker matapos barilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang ang una ay pumunta sa madilim na lugar ng makaramdam ng panunubig kagabi (Nobyembre 30) sa Amparo Subdivision, Caloocan City.

Dead on arrival sa Tala Hospital sanhi ng isang tama ng ‘di pa batid na kalibre ng baril sa ulo ang biktimang si Rodrigo Menoza y Canadilla, 56.

Ayon sa ulat, dakong alas-11:00 kagabi naganap ang insidente. Nabatid na nakaramdam ng panunubig ang biktima kaya ito pumunta sa isang madilim na bahagi nang palihim itong sundan ng suspek na armado ng ‘di pa batid na kalibre ng baril at malapitang pinaputukan sa ulo.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek patungong Malanting st. habang si Rodrigo ay agad dinala ng mga barangay tanod sa nasabing pagamutan ngunit hindi na umabot na buhay.

Patuloy ang isinasagawng imbestigasyon ng mga awtoridad para malaman ang tunay na motibo sa nasabing krimen habang isang manhunt operation ang inilatag ng pulis laban sa salarin. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply